Sa kabila ng kanyang iniindang injury ay siniguro agad ni James Harden na lalaro siya sa Tokyo Olympics.

Ayon sa The Athletic, sasali si Harden sa USA national team, kahit pa nahirapan itong gumalaw dahil sa hamstring injury na natamo sa playoffs.

Sasamahan ni Harden si Kevin Durant, na kanyang teammate sa Brooklyn Nets.

Bukod pa sa dalawa, nag-commit na rin sa Team USA ang Miami Heat center na si Bam Adebayo, ayon sa kanyang agent na si Alex Saratsis.

Sa ngayon, pitong manlalaro na ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na sumali sa Olympics. Bukod sa tatlo ay kasama pa sina Damian Lillard, Bradley Beal, Jayson Tatum at Draymond Green.

The post Harden, Adebayo swak sa Tokyo Olympics first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/harden-adebayo-swak-sa-tokyo-olympics/)