Muling pinatahimik ni Trae Young ang siksikang crowd sa Madison Square Garden sa New York matapos umiksor ng 36 points at siyam na assists upang iselyo ang 103-89 panalo ng Atlanta Hawks kontra New York Knicks nitong Huwebes.

Dahil sa panalo ay tinapos na ng Hawks ang best of seven series, 4-1, at papasok sa second round ng playoffs sa unang pagkakataon mula noong 2016.

Ito ang unang pagpasok ni Young sa playoffs ngunit hindi nahalata ang kanyang pagiging bagito sa pag-iskor ng 20 points at higit pa sa limang laro sa una niyang serye.

Sinuportahan naman siya ni Clint Capela na may 14 points at 15 rebounds.

Makakaharap ng Hawks ang number one team sa East na Philadelphia 76ers, na nitong Huwebes din ay tinapos na ang kanilang serye kontra Washington Wizards sa pamamagitan ng dominanteng game 5 win, 129-112.

Kasado na rin ang isa pang second round serye sa East sa pagitan naman ng Brooklyn Nets at Milwaukee Bucks. (MJD)

The post Hawks kontra 76ers sa second round kasado na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hawks-kontra-76ers-sa-second-round-kasado-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hawks-kontra-76ers-sa-second-round-kasado-na)