Kung si PBA Hall of Famer Ramon Fernandez ang tatanungin, hindi na dapat palitan ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas hanggang Fiba World Cup 2023.

Paliwanag ni Fernandez, bagama’t mahuhusay ang manlalaro sa PBA, hindi pa rin makakaila ang malaking potensyal ng mga batang manlalaro ng PH national team.

“Palagay ko itong mga bata na ang ipadala natin. Not for anything else but this is thinking long term,” saad ni Fernandez sa Philippine Sportswriters Association forum.

“Yung mga PBA player naman, mag-iimprove din sana sila, but hindi kagaya ng improvement ng mga batang ito,” aniya pa.

Sa nagdaang performance ng Gilas na pinangunahan nina naturalized player Angelo Kouame, SJ Belangel at Dwight Ramos, kanilang giniba ang Indonesia, at tinalo ng dalawang dikit ang Korea.

The post Huwag na kumuha sa PBA! ‘Batang’ Gilas isabak sa Fiba World Cup – Mon Fernandez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/huwag-na-kumuha-sa-pba-batang-gilas-isabak-sa-fiba-world-cup-mon-fernandez/)