Nilinaw ng Inter-Agency Task Force ang ilang guidelines sa inilabas sa  Resolution No. 119 para sa mga pasahero ng inbound international travel na nabakunahan sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magiging epektibo ang guidelines sa June 16, 2021.

Dapat aniyang laging bitbit ng Pilipinong pasahero ang kanyang beripikadong vaccination card bago ito umalis palabas ng bansa.

Kinakailangan mayroong certification na inisyu ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pasahero, o kaya naman ay sertipikasyon ng City Health Officer ng local government unit kung saan ginawa ang ikalawang bakuna ng indibidwal.

“A fully vaccinated individual must carry his or her vaccination card  which must be verified prior to his/her departure prior to boarding, and a certification issued prior to his/ her departure by the DICT or the City Health Officer of the LGU which administered the last dose necessary for full vaccination,” ani Roque.

Nakapaloob sa Resolution No. 119 ang pinaiksing quarantine sa mga bakunadong pasaherong Pinoy. 

The post IATF: Mga Pinoy bitbitin vaccination card kung lalabas ng PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iatf-mga-pinoy-bitbitin-vaccination-card-kung-lalabas-ng-ph/)