Sinong mag-aakala na kahit kakaibang nilalang ay mabibighani sa kagandahan ni Liza Soberano?

Sa press conference para sa Netflix animated series na ‘Trese’, naikwento ni Liza ang isang pangyayari noong tumira siya sa Pangasinan.

Ayon sa Kapamilya actress, nagkasakit siya noon at isang araw ay nagkaroon na lang siya ng malaking kalmot sa kanyang hita.

Doon na siya dinala sa albularyo ng kanyang tatay para mapatingnan, kung saan nila nalaman na isang kapre pala ang may kursunada kay Liza.

“She closed her eyes and said there was a kapre looking through my window and my room. ‘May crush sa kanya ‘yung kapre,'” sey ni Liza habang tumatawa.

“That’s what the albularyo was saying. Stop making sampay her panty outside because baka anong gawin ng kapre to her panty,” kuwento pa niya.

Sakto ito sa ginampanan ni Liza sa ‘Trese’, kung saan binosesan niya ang bida na lumalaban sa iba’t ibang Pinoy mythical creature.

The post Ibang level ang beauty! Liza Soberano naging crush ng kapre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ibang-level-ang-beauty-liza-soberano-naging-crush-ng-kapre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ibang-level-ang-beauty-liza-soberano-naging-crush-ng-kapre)