Ilang kabahayan sa Barangay Poblacion, Dumalag, Capiz ang nasunog nitong Martes na ikinasawi ng isang 43-anyos na lalaki.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa kusina ng nagngangalang Edimar Alba at kumalat sa mga katabi nitong bahay.

Naapula naman ang sunog ngunit natagpuan na lamang ang bangkay ni Alba sa banyo at wala ng buhay.

Ang biktima ay naninilbihan din bilang kawani ng Department of Works and Highways (DPWH).

Dahil sa sunog, tatlong bahay ang nasira habang may dalawa pa na bahagyang nagtamo ng pinsala.

Sa taya ng mga awtoridad, P300,000 ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.

The post Ilang bahay naabo, isa patay sa sunog sa Capiz first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-bahay-naabo-isa-patay-sa-sunog-sa-capiz/)