Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na muli siyang sasabak sa eleksyona 2022.

Ngunit aniya, wala pa siyang pinal na desisyon kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan.

“I am going to be fair with our people. I am going to be honest with our people. Magpapaalam ako sa kanila,” saad ni Moreno sa panayam ng ANC.

“Kung ano man yun, that remains to be seen, but definitely I am running,” aniya pa.

Maugong ang pangalan ni Moreno sa pagka-Pangulo, matapos siyang mapasama sa mga pinagpipilian ni Pres. Rodrigo Duterte para sa susunod na eleksyon.

Ngunit giit ni Moreno, ayaw pa niyang pag-usapan ang usaping politika habang nasa pandemya ang bansa.

The post Isko Moreno tatakbo sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-moreno-tatakbo-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isko-moreno-tatakbo-sa-2022)