Saludo si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa isang jeepney driver na nagtapos ng degree sa Information Technology sa University of the East Caloocan.

Nagkita sina Marvin Padilla Daludado, 22, at Gatchalian kahapon, June 4, kung saan personal na binati ng alkalde ang tsuper.

Hinangaan ni Gatchalian si Daludado, residente ng Barangay Malanday, na namamasada muna ng alas-5 ng madaling-raw bago pumasok sa klase ng alas-8 ng umaga, na maituturing aniyang inspirasyon sa marami.

“JEEPNEY DRIVER NYO NOON, GRADUATE NA NGAYON. Finally met MARVIN PADILLA DALUDADO of Barangay Malanday. He graduated Bachelor of Science in Information Technology Major in Network Security, Multimedia, Web Development at the University of the East – Caloocan,” tweet ni Gatchalian.

Sa kanyang Facebook post kamakailan ay ibinahagi ni Daludado ang kanyang graduation photo habang may hawak na signage kung saan nakasulat ang mga ruta niyang Malanday sa Valenzuela, Pier 15, Luneta at Recto sa Maynila.

The post Jeepney driver nagtapos ng IT, pinuri ni Rex first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jeepney-driver-nagtapos-ng-it-pinuri-ni-rex/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jeepney-driver-nagtapos-ng-it-pinuri-ni-rex)