Nasawi ang isang barangay kagawad sa Barangay Singao, Cotabato City matapos siyang atakehin sa puso habang hinahabol ang ilang health protocol violator.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Kagawad Jim Batislaon.

Noong weekend, tumulong si Batislaon sa Barangay Peace Action Team para habulin ang dalawang

health protocol violator na sakay ng motorsiklo pero imbes tumigil sa village checkpoint ay tumakas ang mga ito.

Ilang minuto lamang matapos ang habulan ay nag-collapse ang biktima at idineklarang dead on arrival matapos dumanas ng pananakit ng dibdib.

The post Kagawad hinabol mga pasaway sa protocol, inatake sa puso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kagawad-hinabol-mga-pasaway-sa-protocol-inatake-sa-puso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kagawad-hinabol-mga-pasaway-sa-protocol-inatake-sa-puso)