Walang makita si Pangulong Rodrigo Duterte na kuwalipikadong maging susunod na presidente ng bansa.

Sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na wala siyang makitang potential presidentiable sa mga politikong nag-aambisyong maging susunod na presidente ng bansa.

“Looking at the political horizon? Wala ,wala akong nakita na deserving,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi madaling maging Presidente  dahil higit pa sa inaakala ang trabaho at responsibilidad ng isang lider ng bansa.

“I do not mean to insult anybody but it takes more than just what you show today ‘yong makaya mo ngayon. Much more than that, presidency is more than that,” dagdag ng Pangulo.

Kung pipitsugin aniya ang magiging Presidente ay isipin na lamang kung paano ito makikipag-usap sa mga lider ng mga makapangyarihang bansa gaya ng China at Amerika.

“How are you supposed to talk to Biden? How are you supposed to talk to Xi Jinping?,” wika ng Pangulo.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na may mga nakikita siyang ilang politikong pupuwede na rin sa iiwanang posisyon at papangalanan niya ang mga ito sa mga darating na araw.

The post Kahit si Inday Sara? Walang deserving maging susunod na Pangulo – Digong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-si-inday-sara-walang-deserving-maging-susunod-na-pangulo-digong/)