Inanunsyo ng pamunuan ng De La Salle University (DLSU) na babakunahan nila ang lahat ng kanilang estudyante kontra COVID-19.

Ayon sa DLSU, tuturukan lahat ng estudyante mula senior high school, college, graduate school, at mga nasa law school.

Ani DLSU Chancellor Bernard Oca, nagdaos ang pamantasan ng sarbey noong Marso kung saan malaking porsyento ng kanilang mga estudyante ang nagpahayag ng naisin na magpaturok.

“In our collective effort to address the challenges of the COVID-19 pandemic as one Lasallian community, De La Salle University is firming up the vaccination plans for our students in senior high school, undergraduate, graduate, and College of Law students,” saad ni Oca.

“We enjoin everyone to remain vigilant and support our government’s efforts to curb the spread of the virus. We also continue to remind the Lasallian family to stay healthy, avoid crowded places, and practice proper hygiene, sanitation, and safe distancing,” dagdag pa niya.

Sa ikatlong kwarter umano ng taon darating ang suplay ng bakuna para sa DLSU.

Bukod sa DLSU, babakunahan din ng Ateneo de Manila University ang kanilang mga estudyante at empleyado.

The post La Salle, tuturukan mga estudyante kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/la-salle-tuturukan-mga-estudyante-kontra-covid/)