Hindi lang eleksyon ang dapat paghandaan ng mga balak na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, dapat na mas pagtuunan ng pansin ay ang pag-iisip ng paraan para masolusyunan ang mga bigating problema ng bansa tulad ng korapsyon, kawalan ng trabaho at patuloy na paglobo ng utang ng ‘Pinas.

“It’s not about prestige or being part of history as being the President of the country. The more important thing is to ask yourself if you can solve the country’s problems. Ang importante: Kaya ba, at may solusyon ba?” saad ni Lacson sa panayam ng DWIZ.

“There is also a need to seek the advice and ideas of economic experts and other experienced persons to find solutions – short-, middle- and long-term – to confront and address the problems aggravated by the pandemic,” aniya pa.

Ilan pa sa dapat pag-isipan ng mga gustong maging Pangulo ng bansa ay ang usapin tungkol sa West Philippine Sea, pati ang kailangan na P1 trillion budget kada taon para sa Internal Revenue Allotment (IRA) na ipatutupad na sa susunod na taon.

Ayon ka Lacson, kung walang plano ang ibang planong kumandidato ay dapat na manahimik na lang ang mga ito.

“They should ask themselves: ‘Can I, in my personal and professional capacity, develop solutions to these problems?’ If yes, let’s share them through public service. If not, it may be better to keep quiet,” giit ni Lacson.

The post Lacson sa mga tatakbong Pangulo: May solusyon ba kayo? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-sa-mga-tatakbong-pangulo-may-solusyon-ba-kayo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-sa-mga-tatakbong-pangulo-may-solusyon-ba-kayo)