Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng mga human rights group na magkaroon ng karapatang tingnan ang mga tala ng pulisya sa mga ginawa nitong operasyon kontra ilegal na droga.

Sa kanyang televised address nitong Lunes, hindi umano mabibigyan ng permiso ng pamahalaan ang mga human rights group na pag-aralan ang mga nasabing tala dahil iniingatan nila ang pambansang seguridad.

Dagdag pa ng pangulo, dapat ng tanggapin ng mga human rights group na hindi na talaga mawawala sa mga operasyon ng pulis ang pagkamatay ng mga suspek.

“I suggest that you go to the police and look into the records of these deaths. Now gusto ninyong kunin, may hindi namin maibigay lahat not because we are hiding some facts that known to us, unknown to you,” wika ni Duterte.

“Eh kasali na dito ‘yong—eh national security issue ‘to eh kagaya rin ng mga NPA. We have records that those who have died but who have derogatory records in our files and may mga references sila na tao and what they do, we cannot divulge it to anybody but only to the military and to the police,” dagdag pa ng pangulo.

Matatandaang binigyan ng Philippine National Police (PNP) ng permiso ang Department of Justice (DOJ) na busisiin ang 61 kaso kung saan pinaghihinalaan na may nilabag ang kapulisan. 

The post Lahat ng drug war record, ‘di pwede busisiin – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lahat-ng-drug-war-record-di-pwede-busisiin-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lahat-ng-drug-war-record-di-pwede-busisiin-duterte)