Matapos umalis ni Terry Stotts bilang coach ng Portland Trail Blazers, isang pangalan ang nabanggit ni Damian Lillard na gusto niyang maging susunod na leader ng kanilang koponan.

Ito ay si Hall of Famer Jason Kidd.

Ngunit kaagad na pinutol ni Kidd ang usap-usapan nang sabihin nitong hindi niya nais maging coach para sa Blazers.

“Portland’s a first-class organization and will have great candidates for its head coaching job, but I’ve decided not to be one of them,” saad ni Kidd sa panayam ng ESPN.

“Whoever they choose will have big shoes to fill from Terry,” ayon pa kay Kidd, na nagsisilbing assistant coach para sa LA Lakers.

Ilan pa sa posibleng kunin na coach ng Portland ay sina Clippers assistant Chauncey Billups, dating Houston Rockets coach Jeff Van Gundy, at Mike D’ Antoni.

The post Lillard tablado! Kidd ayaw maging coach ng Portland first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lillard-tablado-kidd-ayaw-maging-coach-ng-portland1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lillard-tablado-kidd-ayaw-maging-coach-ng-portland1)