Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga netizen dahil umabot na sa Facebook ang mga fixer at scammer.

Sa advisory ng LTO, inalarma nila ang publiko sa isang Facebook page na may pangalang LTO License Assistance Center (@OfficialLTOlicenseassistance).

Ayon sa ahensya, naniningil umano ang naturang page ng P3,500 hanggang P6,500 para sa pagproseso ng driver’s license.

“These scammers are encouraging fixing through non-taking and non-appearance in the driver’s license exam,” ayon sa LTO.

Babala pa ng LTO, posibleng magamit ang mga pribadong impormasyon na ibibigay sa mga fixer sa identity theft.

Giit din ng ahensya na ang mga lisensyang makukuha sa labas ng kanilang opisina ay ‘counterfeit’ at hindi balido.

The post LTO: Mga fixer talamak na sa Facebook! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lto-mga-fixer-talamak-na-sa-facebook/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lto-mga-fixer-talamak-na-sa-facebook)