Inuga ng magnitude 5.3 na lindol ang katubigan ng Burgos, Surigao del Norte nitong Martes.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol alas-5:41 ng madaling-araw, ang episentro ay namataan northeast ng Burgos, Surigao del Norte.

Naramdaman ang Intensity IV sa lugar ng Dapa, Surigao del Norte, Intensity II naman sa Palo, Leyte, Surigao City at Abuyog, Leyte, habang Intensity I naman sa Alangalang at Baybay, Leyte, Gingoog City, Misamis Oriental.

Wala namang inaasahang mapinsala ang naturang lindol, pero may posibilidad ng aftershock.

The post Magnitude 5.3 dama sa Surigao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-5-3-dama-sa-surigao/)