Trabaho lang, walang personalan.

‘Yan ang ginagawa ng Barangay Ginebra sa kabila ng matinding isyu na kinahaharap ni Scottie Thompson dahil sa biglaang pagpapakasal nito sa isang babae.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, hindi nila iniinda ang personal na isyu ni Scottie at tuloy pa rin ang kanilang ensayo para sa susunod na season.

“His personal life is his personal life. That’s something we don’t get involved with unless the player comes to us, and that rarely, rarely happens,” ayon kay Cone.

“One thing for sure, the management, the coaching staff and his teammates all love Scottie. He’s the perfect teammate,” aniya pa.

Ito’y sa kabila ng biglaang petisyon kung saan ilang fan ang nais ma-trade si Thompson palabas ng Ginebra.

Sa change.org, 326 netizen na ang nagsabing dapat ma-trade si Scottie dahil di raw nito deserve na magsuot ng Ginebra jersey.

The post Mahal pa rin ng Ginebra! Cone dedma sa isyu ni Thompson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahal-pa-rin-ng-ginebra-cone-dedma-sa-isyu-ni-thompson/)