Pinuna ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ilang grupo ng dilawan dahil ginagamit ang kanyang sinabi noon pang nakaraang taon para kontrahin ang pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo.

Sa Facebook post ni Vico, makikita ang post ng Panay News kung saan nagmukhang pinalagan ni Vico ang posibleng pagtakbo ni Inday Sara sa 2022 presidential elections.

“Kung magaling kang leader, mapapasa mo sa susunod na lider. Ibig sabihin, may continuity. Hindi ‘yung anak mo lang o ano,” saad sa quote na dinikit kay Sotto.

Paliwanag ni Vico, noon pang May 2020 ang naturang quote at hindi iyon tungkol sa nalalapit na eleksyon sa 2022.

“Maaaring totoo ang quote, pero last year pa at HINDI presidential elections ang topic!! Misquoted ng ibang Dilawan group para sumakto sa naratibo nila.. kaso lang, naniwala ang iilang supporters ng Presidente at kaya nagalit,” giit ni Sotto.

Saad pa ni Vico, ‘work mode’ lang sila sa Pasig at ayaw makisawsaw sa national politics.

“Masyado na tayong polarized bilang mga Pilipino. Basta sa Pasig, welcome ang lahat ng partido,” sambit pa ng alkalde.

The post Mayor sinabong kay Duterte! Vico Sotto nabanas sa ilang ‘dilawan’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayor-sinabong-kay-duterte-vico-sotto-nabanas-sa-ilang-dilawan/)