Kinaya ni Youtube star Logan Paul ang mga pamatay na suntok ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. sa kanilang naging exhibition match nitong Lunes, oras sa Pilipinas.

Umabot sa buong walong rounds ang laban, dahilan para walang manalo dahil walang mga judge sa banggaan ng dalawang fighter.

Gayunpaman, pnayagan ang knockout ngunit walang natumba kina Mayweather at Paul.

Sa first round, kalmado lang si Mayweather sa kanyang pag-upak sa Youtuber, sinubukan ni Paul na makakonekta ng suntok ngunit hindi nakatama.

Third round ay nagpakawala ng uppercut si Paul, ngunit tinawanan lang siya ni Mayweather. Gumanti naman ang boxing legend ng left hook.

Sa huling tatlong rounds ay mapapansing pagod na si Paul ngunit naging matibay at hindi tumumba sa mga suntok ni Mayweather.

“I was surprised by him tonight. Good work. Good little guy,” ayon kay Mayweather.

“The fact that I’m in here with one of the best boxers of all times proves the odds can be beat,” reaksyon naman ni Paul sa laban.

The post Mayweather bigong patumbahin si Logan Paul first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayweather-bigong-patumbahin-si-logan-paul/)