Pinayagan na ang paglabas sa kanilang mga bahay ng mga senior citizen na kumpleto na sa COVID-19 vaccine.

Ito’y inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque nitong Biyernes base sa naging pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Ang mga senior citizen na maaaring lumabas ay dapat residente sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

“Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols,” saad ni Roque.

Hinimok naman ni Roque ang iba pang senior citizen na magpabakuna na laban sa COVID-19.

The post Mga bakunadong senior citizen makakalabas na – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bakunadong-senior-citizen-makakalabas-na-palasyo/)