Aprubado na ng China ang emergency use ng bakuna mula Sinovac para gamitin sa mga bata.

Inanunsyo ni Sinovac Biotech CEO Yin Weidong na maaari nang gamitin ang CoronaVac sa mga edad 3 hanggang 17.

“Sinovac has carried out a clinical study on the minor population, which started at the beginning of this year, with the first and second phase clinical trials completed,” saad ng Sinovac official.

Ito ang kauna-unahang bakuna sa buong mundo na inaprubahang gamitin para sa mga kabataan.

Hindi pa klaro kung kailan magsisimula ang rollout ng Sinovac para sa mga batang Chinese.

“The National Health Commission will organise relevant experts to promote the use of vaccines in lower age groups in an orderly manner based on the needs of the current epidemic in China and the composition of the population,” ayon pa kay Yin.

The post Mga bata sa China pwede na turukan ng Sinovac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bata-sa-china-pwede-na-turukan-ng-sinovac/)