Sa bagong labas na survey sa Japan ay dumami ang mga tao sa naturang bansa na pabor sa pagdaraos ng Olympics sa Hulyo.

Nitong Lunes ay umakyat sa 50% ng mga tao ang pabor sa pagdaraos ng palaro, base sa survey ng pahayagang Yomiuri.

Sa mga ito, 24% ang pabor sa pagkakaroon ng limitadong manonood sa Olympics habang 26% naman ang sang-ayon sa palaro ngunit dapat ay walang mga manonood.

Bukod pa dito, lumabas din sa survey na 48% na lamang ang tutol sa pagdaraos ng Olympics, na bumaba mula 59% sa survey noong Mayo.

Sa kabilang dako, may 63% pa rin sa mga respondent ang naniniwala na hindi sapat ang ginagawa ng mga opisyal para masiguro na hindi magdadala ng COVID ang mga darating na atleta mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

The post Mga Hapon na pabor sa Olympics, dumami first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-hapon-na-pabor-sa-olympics-dumami/)