Nabakunahan na laban sa coronavirus disease ang lahat ng 14 justice ng Supreme Court (SC), ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo.

“All members of the Court have been completely vaccinated. I think all of us have completed the second jab,” pahayag ni Gesmundo sa isang press conference nitong Biyernes, June 11.

Dagdag ni Gesmundo, nais tiyakin ng Korte Suprema na ang hudikatura ay magpapatuloy na pangasiwaan ang hustisya nang walang pagsasakripisyo sa kalusugan at kaligtasan ng mga tauhan nito. 

Matatandaang isinama na ng IATF ang mga empleyado ng hudikatura sa A4 category matapos ang hiling mula sa SC.

The post Mga mahistrado bakunado na vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-mahistrado-bakunado-na-vs-covid/)