Pinasinayaan nitong Lunes ang unang Muslim Cemetery and Cultural Hall sa Manila South Cemetery sa Maynila.

Pinangunahan nila Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Muslim Affairs Chief Dir. Shey Sakaluran Mohammad ang naturang seremonya.

“Itong araw na ito ay inaalay namin, kaming mga kasalukuyang henerasyon, sa mga ninuno naming Muslim dito sa lungsod, ito ay simpleng tanda ng pag alala na kung sino talaga kami,” pahayag ni Moreno sa kanyang talumpati.

Ayon sa alkalde, itinayo ang sementeryo kaugnay ng mga nababalitaan niya na walang mapaglibingan ang mga Muslim sa Maynila. May mga umuuwi pa raw ng Mindanao maipalibing lang ang kanilang mahal sa buhay.

“Our Muslim brothers and sisters, you can now say that you have a place that you can call your own. A place for your family, for your loved ones, here in Manila,” dagdag pa ni Moreno. 

The post Mga Muslim, may sariling sementeryo na sa Maynila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-muslim-may-sariling-sementeryo-na-sa-maynila/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-muslim-may-sariling-sementeryo-na-sa-maynila)