Nagpaabot ng pagbati ang ilang senador sa pagkapanalo ni Yuka Saso sa 76th US Women’s Open golf championship sa San Francisco, USA.

Ayon kay Senador Joel Villanueva na kapwa Bulakenyo ng atleta, hindi lang karangalan para sa bansa ang hatid ni Saso sa kanyang panalo kundi inspirasyon na din para sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

“Binabati po natin si Yuka Saso, na tubong San Ildefonso, Bulacan, sa kanyang tagumpay. Si Yuka Saso po ang unang Pilipinong nanalo sa prestihiyosong paligsahang ito, at isa sa pinakabata sa kasaysayan nito ng tournament,” sabi ni Villanueva.

Sabi pa nito, ang panalong ni Saso ay isang magandang balita para sa isang bansang patuloy ang paglaban sa pandemya.

“Nagawa niya ito ng buong sigla at gilas laban sa world-class na mga katunggali! Hindi po biro ang pagsubok na pinagdaanan niya dito. Kaya sana ay ma-inspire tayong lahat kay Yuka na kayanin din natin ang mga pagsubok na ating hinaharap ngayon,” ani Villanueva.

Samantala, sinabi naman ni Senador Ralph Recto, maituturing na ‘poster girl’ ng Laban Pilipinas si Saso matapos pagwagian ang naturang event.

“When we are assaulted daily by the high tally of COVID cases, here comes the low winning score of Yuka Saso like a blast of fresh air. She inspires us that despite the handicaps and the hazards we face as a people, we too, can stage a comeback,” ani Recto.

“She joins the many gritty Filipina frontliners as a poster girl of our “Laban ‘Pinas!” battlecry,” dagdag nito.

The post Mga senador saludo: Yuka Saso ‘poster girl’ ng Laban Pilipinas! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-senador-saludo-yuka-saso-poster-girl-ng-laban-pilipinas/)