Muling na-pack up ang shooting ng “Mission: Impossible 7” matapos makapagtala ng COVID positive.

Hindi binanggit ng Paramount, ang producer ng latest film ni Tom Cruise, kung sino sa production ang nagpositibo sa virus.

“We have temporarily halted production on Mission: Impossible 7 until June 14th, due to positive coronavirus test results during routine testing,” sabi sa pahayag ng Paramount.

Nauna nang nasuspinde ang shooting ng pelikula noong February 2020 bunsod ng pandemic.

Naka-schedule ang pagpapalabas ng “Mission: Impossible 7” sa May 2022.

The post ‘Mission: Impossible 7’ pinurnada uli ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mission-impossible-7-pinurnada-uli-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mission-impossible-7-pinurnada-uli-ng-covid)