Maaari nang magbukas ang mga historical site at museum sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit lalawigan na sakop ng NCR Plus.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong June 10, 2021.

Ayon kay Roque, pinapayagan na ng IATF ang pagbubukas ng mga museum at historical site nang hanggang 20% venue capacity.

Pero kinakailangan pa rin aniya ang pag-apruba ng lokal na pamahalaan at sumunod sa mga ipinaiiral na health and safety protocol.

“Also allowed to open are historical sites and museums in the NCR Plus area at 20% venue capacity following health and safety protocols and the approval of the local government unit where these sites maybe situated,” ani Roque.

Pero nilinaw ng kalihim na hindi pinapayagan ang guided tours o yaong mayroong mga kasamang tour guide.

Ikinagalak naman ng Department of Tourism ang desisyon ng IATF dahil itinaon ang pagbubukas ng historical sites at museums sa selebrasyon ng Independence Day.

The post Museum, historical site puwede na buksan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/museum-historical-site-puwede-na-buksan/)