Diniin si Pangulong Rodrigo Duterte sa graft dahil sa regalong bahay sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Duterte, ginamit ni Senador Antonio Trillanes IV at iba pang kritiko ang niregalo sa kanya ni Quiboloy para paratangan siya na kurakot.

Paliwanag naman ni Duterte, wala pa sa kanyang pangalan ang naturang bahay dahil nasa developer pa ito, at gagamitin niya lamang ito kapag siya’y nagretiro na.

“Bakit ko ilagay na hindi ko pa man — hindi pa ako nag-retire eh ang usapan namin ni Pastor, pag-retire ako doon ako titira,” sambit ng Pangulo.

“Akala siguro nila nakuha ko ‘yong maganda na bahay diyan dahil sa kurakot. Sabi ko nga noon sa kanila ‘bigay ni Pastor ‘yan.’” saad pa ni Duterte.

Dumepensa naman si Quiboloy at sinabing niregaluhan niya ang Presidente dahil sa pagkakaibigan nila.

“That is our friendship. Sila naman sinasabi, ‘That’s graft.’ Sabi ko anong klaseng mga tao ito, may puso ba kayo,” ayon kay Quiboloy.

The post Nadawit sa graft! Duterte niregaluhan ng bahay ni Quiboloy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nadawit-sa-graft-duterte-niregaluhan-ng-bahay-ni-quiboloy/)