Nagulat umano ang negosyanteng nagbunyag sa ‘bakuna for sale’ modus matapos madawit ang kanyang pangalan sa listahan ng mga suspek sa nasabing gawain.

Ayon kay Nina Ellaine Dizon-Cabrera, sa Twitter account niya pinost ang naturang modus, sapagkat mayroon siyang halos 123,000 na mga follower.

“I was the one who posted about this alleged scheme. What happened was I saw a ‘for sale’ post online and then I inquired. And then I found out that they were selling not vaccines but vaccine slots from LGUs. So I took it to Twitter,” ani Cabrera sa panayam ng ANC.

“And then all of a sudden, I was caught in the middle. I was dragged into the case, saying I had the intent to sell—but really, I was the one who exposed it,” dagdag pa niya.

Bukod pa umano sa pagpost sa Twitter ay nakipagugnayan pa siya sa pamahalaan ng San Juan para ibigay ang mga impormasyon na kanyang nakalap.

Kaya naman, laking gulat ni Cabrera na kasama siya sa mga kinasuhan ng estafa, paglabag sa Anti-Red Tape Law of 2007, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hindi rin daw muna siya kinausap ng pulisya bago siya sampahan ng kaso.

Kaya naman pinagaaralan na ng kampo ni Cabrera ang maaari nilang gawin laban sa prosekyusyon, kabilang na ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa PNP.

The post Nagbunyag lang, nadawit pa! Negosyante damay sa ‘bakuna for sale’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nagbunyag-lang-nadawit-pa-negosyante-damay-sa-bakuna-for-sale/)