Puwede ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 national election subalit ang kuwestiyon aniya dito ay ang winnability nito, ayon kay Senadora Nancy BInay.

“I guess yung possibility is there, but yung winnability is another question,” pahayag ni Binay sa panayam sa ANC.

Ginawa ni Binay ang reaksiyon sa gitna ng pagtutulak ng mga miyembro ng PDP-Laban na tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-presidente kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara na napipisil nilang papalit sa kanya sa 2022.

Pero sabi ni Binay, nasa taumbayan na aniya ang desisyon kung papayagan nila ang Duterte-Duterte na makuha ang dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa sa susunond ng eleksiyon.

“Sa akin, let’s leave it to the constituent. Ang call ko na lang is for us to have a clean and honest election na hindi madaan sa dayaan yung magiging panalo ng isang kandidato,” sabi ni BInay.

The post Nancy Binay: Duterte-Duterte tandem kaya bang manalo? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nancy-binay-duterte-duterte-tandem-kaya-bang-manalo/)