Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin dumadating ang pangakong scholarship sa mga naulilang anak ng construction worker na napatay ilang buwan na ang nakakaraan matapos mapagkamalang holdaper.

Ito ang hinanakit ni Carla Pineda, na nangulila sa asawang si Federico na nabaril ng pulis na si Eframe Ramirez sa isang operasyon limang buwan na ang nakakaraan.

“Yun nga po hinihintay ko kasi sabi nila noong nakaburol asawa ko, sabi nila pagkatapos ng libing pupuntahan daw po kami,”  pahayag ni Pineda sa isang panayam.

Nangako raw ang mga awtoridad na sasagutin ang pag-aaral ng dalawang anak ni Federico, na sa ngayo’y nasa Grade 1 at Grade 3 pa lamang.

Ang pagtatrabaho lang kasi ni Federico bilang construction worker ang pinagkukunan nila ng gastusin. 

The post Naulilang anak ng napagkamalang holdaper, wala pa rin tulong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naulilang-anak-ng-napagkamalang-holdaper-wala-pa-rin-tulong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=naulilang-anak-ng-napagkamalang-holdaper-wala-pa-rin-tulong)