May go signal na ang Inter-Agency Task Force para sa pagbubukas ng mga gym at non-contact sports venues sa 30 percent venue capacity sa NCR Plus.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pulong ng IATF nitong Huwebes.

Pero sinabi ni Roque na bago makapagbukas ang gym, kailangan kumuha muna ng safety seal certification mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).

“The Inter-Agency Task Force on Thursday, June 10, 2021, allowed the opening of indo non-contact sports venue with Safety Seal Certification such as gym, fitness studio, skating rink, and racket sports court in the National Capital Region (NCR) Plus area at 40% venue capacity,” ani Roque.

Batid ng IATF na maraming mamamayan na ang umaasam sa pagbubukas ng gym dahil sa napakatagal na lockdown ay marami ang nagdagdag ng timbang.

Mismong si Secretary Roque ay nagsabi na isa siya sa mga gustong magbukas na ang gyms dahil aminado ito na nadagdagan ang kanyang timbang dahil sa kawalan ng ehersisyo.

The post NCR Plus gym, sports venue puwede na magbukas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-plus-gym-sports-venue-puwede-na-magbukas/)