Muling inilagay sa general community quarantine (GCQ) with restrictions ang National Capital Region (NCR) kasama pa ang mga katabing probinsya.

Tatagal ang naturang quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite mula June 1 hanggang June 15.

Samantala, 13 pang lugar ang sinailalim sa GCQ hanggang June 30.

Kasama dito ang Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at Cotabato City.

Habang itinaas naman ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa mga lugar ng Santiago City sa Cagayan, Apayao, Benguet, Ifugao, Puerto Princesa City, Iloilo City, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro City, Butuan City at Agusan del Sur.

Tatagal ang MECQ sa mga nasabing lugar hanggang June 15.

Umabot na sa 1,230,301 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 1,155,045 ang gumaling habang 20,966 ang nasawi.

The post NCR Plus mananatili sa GCQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-plus-mananatili-sa-gcq/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-plus-mananatili-sa-gcq)