Kumpiyansa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na pagsapit ng Nobyembre ay protektado na ang Metro Manila sa COVID-19.

Ito’y dahil bubuhos umano ang 15 milyong bakuna sa bansa sa parating na Agosto.

“Now we’re doing 200,000 jabs a day and it’s even increasing with the help of the private sector,” lahad ni Abalos sa panayam ng ANC.

Target ng administrasyon na mabakunahan ang aabot sa anim hanggang walong milyong residente ng NCR pagsapit ng Nobyembre.

Ito’y sa kabila ng problemang kinahaharap ng gobyerno dahil ayon kay Abalos, maraming Pinoy pa rin ang ayaw magpabakuna.

“We’re very confident, at least for one dose, we could really achieve this number,” saad ng MMDA official.

The post NCR protektado sa COVID sa Nobyembre – MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-protektado-sa-covid-sa-nobyembre-mmda/)