Pumanaw na noong Biyernes si Richard Ernst, ang Swiss scientist na nagwagi ng Nobel Prize in Chemistry noong 1991, batay sa anunsyo ng kanyang pamilya nitong Martes.

Siya ay 87 anyos.

Bukod sa Nobel Prize, nagwagi rin siya ng Wolf Prize for Chemistry (1991), Horwitz Prize (1991) at Marcel Benoist Prize (1986).

Ang Nobel Prize ay iginawad kay Ernst sa kanyang kontribusyon para madebelop ang high-resolution nuclear magnetic resonance (NMR).

Ang NMR ay maaaring gamitin sa pag aaral ng ugnayan ng mga atom at molecule. At sa pamamagitan din nito ay nadebelop din ang magnetic resonance imaging (MRI), na siyang ginagamit ngayon sa mundo ng medisina.

spokesperson.

The post Nobel Prize winner noong 1991, pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nobel-prize-winner-noong-1991-pumanaw-na/)