Nagwagi ng pilak si Pinoy pole vault athlete EJ Obiena sa ginanap ng FBK Games sa Hengelo, the Netherlands nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Tumapos ang 25-anyos sa 5.80 metro na siyang pumangalawa sa 6.10 metro ng naging kampeon na si Armand Duplantis ng Sweden.

Sa naturang kompetisyon din ay tinangka ni Obiena na lampasan ang kanyang personal record na 5.86 metro ngunit bigo siya na magawa ito.

Bago sumabak sa FBK Games ay sumali rin si Obiena sa Goteborg Grand Prix sa Sweden kung saan siya nagwagi ng gintong medalya.

Ang pagsali sa mga naturang torneo ay parte ng paghahanda ng Obiena sa darating na Tokyo Olympics. 

The post Obiena wagi pilak sa Netherlands first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obiena-wagi-pilak-sa-netherlands/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=obiena-wagi-pilak-sa-netherlands)