Tutol ang OCTA Research group na ilagay na sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila at mga kalapit pang probinsya.

Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye, aabot pa rin kasi sa libo ang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR Plus area.

“Ang posisyon namin sa OCTA, let’s look at the data first, tingnan muna natin by weekend, mukhang makakabigay ng posisyon. Pero kung ngayon gagawin ang desisyon ay hindi pa tayo nagka-qualify for MGCQ,” saad ni Rye sa panayam ng dzBB.

Aniya, gumanda ang sitwasyon ng COVID-19 sa NCR Plus kumpara noong Abril, ngunit bumagal umano ito dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya.

Ang NCR Plus ay nakalagay pa rin sa GCQ ‘with restrictions’, inaasahan na matapos na ito sa June 15.

Nitong Huwebes ay niluwagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ang ilang protocol tulad ng pagpayag na lumabas ng mga bakunadong senior citizen sa mga GCQ at MGCQ area.  

The post OCTA Research: MGCQ malabo pa sa NCR Plus first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-mgcq-malabo-pa-sa-ncr-plus/)