Naniniwala si dating Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro na magiging magaling na Pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.

At kung sakali mang tumakbo ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ay handa umano siyang maging running mate nito.

“She agrees the priorities even extending beyond next year is getting everybody vaccinated, getting the economy going. She will be a good presidential candidate…I would gladly back her up as vice president if she so decides,” ayon kay Teodoro sa panayam ng ANC.

Paliwanag ni Teodoro, maganda umano ang pagpapatakbo ni Inday Sara sa Davao City at mahalaga aniya na magkaroon ng continuity sa pamahalaan.

Sa usapin naman ng political dynasty, sinabi ni Teodoro na hindi maikukunsiderang dinastiya kung mananalo si Inday Sara dahil independent daw itong mag-isip.

“I think you cannot consider Mayor Sara to be within the spirit of what a political dynasty is because she’s quite independent-minded,” depensa ni Gibo.

Ayon pa kay Gibo, hindi pa siya tiyak kung bukas siyang tumakbo sa ibang posisyon bukod sa pagka-Bise Presidente sakaling tumakbo si Sara.

The post Okay maging VP! Gibo gustong patakbuhin si Sara sa pagka-Pangulo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/okay-maging-vp-gibo-gustong-patakbuhin-si-sara-sa-pagka-pangulo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=okay-maging-vp-gibo-gustong-patakbuhin-si-sara-sa-pagka-pangulo)