Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkoles na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang paglulunsad ng National Soil Health Program (NSHP).

Ayon sa DA, ang programa ay tatakbo mula 2021 hanggang 2023 at may ponding P523.57 milyon. Ito ay ioorganisa ng Bureau of Soils and Water Management.

Ang NSHP ay naglalayong mapaganda ang mga lupa sa bansa upang maparami ang mga ani at mapanatili ang kaligtasan ng mga pagkaing mula sa mga pananim.

“On behalf of millions of Filipino farmers, we thank President Duterte for supporting this long-awaited soil rejuvenation program to enable our farmers to produce bountiful crops and earn more income for their families,” ani DA Secretary William Dar.

“As soil is the foundation of agriculture, we must therefore protect, preserve, and nurture it to sustainably produce adequate, affordable, and nutritious food for all Filipinos,” dagdag pa ng kalihim. 

The post P523M na programa ng DA, aprub na ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p523m-na-programa-ng-da-aprub-na-ni-duterte/)