Ikinalungkot ni Senador Manny Pacquiao ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanya hinggil sa isyu ng pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pacquiao, misinformed umano ang pangulo kaugnay ng kanyang pahayag tungkol sa WPS issue at naniniwala itong ang kanyang opinyon ay sumasalamin sa sentimiyento ng karamihan ng mga Pilipino.

“I regret that the President was misinformed regarding my statement on the West Philippine Sea Issue,” sabi ni Pacquiao sa isang statement.

“I firmly believe that  my statement reflects the sentiment of majority of the Filipinos, that we should stand strong  in  protecting our sovereign rights  while pursuing a peaceful and diplomatic solution to the dispute,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Duterte na kailangang munang mag-aral ni Pacquiao para mas maintindihan ang foreign policy ng bansa.

“I don’t want to degrade him, but next time he should—mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” pahayag ni Duterte sa sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi.

Gayunpaman, sinabi ni Pacquiao na iginagalang niya ang opinyon ng pangulo subalit hindi niya sinasang-ayunan ang assessment nito sa kanyang pang-unawa sa foreign policy.

“I respect the President’s opinion but humbly disagree with his assessment of my understanding of foreign policy,” sabi ni Pacquiao.

“I am a Filipino voicing out what needs to be said in defense of what has been adjudicated as rightfully ours,” sambit pa ng boxing legend. 

The post Pacquiao pumalag sa bwelta ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-pumalag-sa-bwelta-ni-duterte/)