Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na gawing ‘pro rata’ ang pagbabahagi ng bakuna sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“I am directing Secretary Galvez to make a distribution parang pro rata,” wika ni Duterte sa kanyang televised address nitong Lunes.

“Paghati-hatian natin ito tutal most of the… The bulk of the people of the NCR mayroon na ho silang bakuna. Kung magdating ‘yong sunod na marami, eh you divide it amongst the local government units. Sana magawa ito sa madaling panahon,” dagdag pa ng pangulo.

Ilan sa mga lugar na binanggit ni Duterte kay Galvez na maaari ng tumanggap ng supply ng bakuna ay ang Iloilo, Zamboanga, Cagayan, Butuan, Surigao, Leyte at Samar.

Inaasahan ng palasyo na ngayong Hunyo darating ang maraming supply ng bakuna.

Kaya naman nakiusap si Duterte sa publiko na magpabakuna na kontra COVID.

“We urge all of you to get vaccinated with the vaccines available to us right now, because we want you, your families and your communities to be safe from the virus,” saad ng pangulo.

The post Pagbahagi ng bakuna, gawing ‘pro rata’ – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbahagi-ng-bakuna-gawing-pro-rata-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagbahagi-ng-bakuna-gawing-pro-rata-duterte)