Maaari na umanong maturukan kontra COVID ang mga kabataan sa ika-apat na kwarter ng taon, ayon sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes.

Ayon kay Galvez, ito ay posible sapagkat darating ang maraming supply ng mga bakuna sa huling kwarter ng taon.

Ang mga bakunang Sinovac, Moderna at Pfizer ay naaprubahan ng iturok sa mga kabataan.

“Nakikita po namin baka fourth quarter po [magsimula] kasi doon po dadagsa, may makukuha po tayo na mga Pfizer, Sinovac, at ‘yung Moderna,” ani Galvez

“Sinasabi ng experts, hindi natin makukuha ang herd immunity if there is a sizeable amount of population that is roaming around unvaccinated,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Galvez, nasa 29 milyon ang kabataan sa bansa na dapat bakunahan. 

The post Pagbakuna sa mga bata posible sa dulo ng 2021 – Galvez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbakuna-sa-mga-bata-posible-sa-dulo-ng-2021-galvez/)