Suportado ng World Health Organization (WHO) ang pagbabakuna sa mga kabataan mula edad 12 hanggang 17, kung may mahihina silang resistensya o may problema sa kalusugan.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyangsinghe, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, maaari itong gawin basta’t rehistrado at aprubado rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang ituturok na bakuna sa mga kabataan.

“If it is registered with Philippine FDA, it is cleared [for use] for people of that age who are immunocompromised and have other health condition,” pahayag ni Abeyasinghe.

“But these vaccines should not be for general population [of that age group]. We should protect the elderly as a priority,” dagdag pa niya.

Paalala pa niya, maaari na lamang turukan ang lahat ng mga kabataan sa nabanggit na mga edad kung nabakunahan na ang mga indibidwal na mas delikado kontra COVID.

“If the priority sectors are equally protected, then we can go to the younger age groups and eventually, to adolescents,” aniya.

The post Pagturok sa piling kabataan, OK sa WHO first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagturok-sa-piling-kabataan-ok-sa-who/)