Mga seryosong kandidato lang ang dapat na maghain ng certificate of candidacy (COC).

‘Yan ang pakiusap ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon sa mga nuisance candidate na nagiging panggulo sa eleksyon.

“I am begging you, please, don’t do this as a hobby, don’t do this for fun, don’t do this for your Facebook and Instagram posts. Don’t fill up that COC if you are not seriously running for office,” giit ni Guanzon.

Sa Oktubre gaganapin ang paghahain ng COC para sa 2022 national at local election sa Mayo.

Hiling ni Guanzon na hindi na ma-extend ang filing ng COC dahil mahirap gumalaw sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We have to move on schedule. We hope all candidates will cooperate, especially the nuisance candidates,” lahad ng Comelec official.

The post Pangulo hanap, hindi panggulo! Comelec nakiusap na tumigil mga nuisance candidate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangulo-hanap-hindi-panggulo-comelec-nakiusap-na-tumigil-mga-nuisance-candidate/)