Idaraos ang panunumpa ng mga nakapasa sa Social Workers Licensure Examination online sa Hunyo 23.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), ang mga nakapasa mula sa mga nakaraang taon hanggang 2019 ang sasakupin ng seremonya, na magsisimula sa dakong alas-10:00 a.m. ng umaga.

Inabisuhan din ng PRC ang mga manunumpa na magsuot ng formal o business attire at mag setup ng white background.

“Please secure an online appointment schedule at http://online.prc.gov.ph and select ‘e-OATH’ as transaction,” pahayag ng PRC.

Ang link naman na https://www.prc.gov.ph/article/online-oathtaking-application-system/4532 ang dapat puntahan kung may tanong sa proseso.

“For specific registration and ceremony protocols, kindly check this link: https://www.prc.gov.ph/sites/default/files/2020-1255%20revised.pdf,” dagdag pa ng PRC.

Paalala rin ng ahensya, mag-print ng ‘Oath of Professional’ na makikita sa PRC Online Services.

Gayundin, magsasara ang registration limang araw bago ang Hunyo 23.

The post Panunumpa ng social workers idaraos sa Hunyo 23 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panunumpa-ng-social-workers-idaraos-sa-hunyo-23/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panunumpa-ng-social-workers-idaraos-sa-hunyo-23)