Itinalaga ni Pope Francis ang isang Filipino missionary priest bilang bagong obispo ng diocese ng Daru-Kiunga, Papua New Guinea.

Noong Mayo 23 na-appoint si Bishop-elect Joseph Tarife Durero, 53, ng Society of Divine Word.

Ayon sa CBCP News, si Durero ay isang vicar general ng Madang archdiocese.

Isinilang siya sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte noong 1969.

Matapos mag-aral ng philosophy at theology sa Pilipinas ay naordinahan siyang pari noong Disyembre 12, 1995.

Kasunod nito ay ipinadala siya sa Papua New Guinea, kung saan hinawakan niya ang iba’t ibang assignment.

The post Paring Pinoy itinalagang obispo sa Papua New Guinea first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paring-pinoy-itinalagang-obispo-sa-papua-new-guinea/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paring-pinoy-itinalagang-obispo-sa-papua-new-guinea)