Inanunsyo ng oil company na Petro Gazz na magkakaroon sila ng taas-presyo sa kanilang produktong petrolyo epektibo bukas, Hunyo 8.

Ayon sa kompanya, tataas ng P0.55 kada litro ang diesel habang P0.20 kada litro naman ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Epektibo umano ang taas-presyo dakong alas-6:00 a.m ng umaga sa nasabing araw.

Samantala, magtataas din ng presyo ng diesel ang kompanyang Cleanfuel sa Hunyo 8, dakong alas-4:01p.m. ng hapon.

Tataas ng P0.55 kada litro ang kanilang diesel habang wala namang pagbabago sa presyo ng gasolina. 

The post Petrolyo, taas-presyo sa Martes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/petrolyo-taas-presyo-sa-martes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=petrolyo-taas-presyo-sa-martes)