Tatlong petsa ang pinagpipilian ng Department of Education (DepEd) para sa pagbubukas ng klase sa school year 2021-22.

Ayon sa DepEd, August 23, September 6 o September 13 ang kanilang mga pinag-iisipang date sa muling pagbabalik ng klase.

Nakadepende pa ang pinal na school opening kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“We will release the final school calendar for School Year 2021-2022 once we get the final approval of the President,” saad ni DepEd.

“We are proposing that he choose among either August 23, 2021, September 6, 2021, or September 13, 2021.”

Susundin din ng DepEd ang desisyon ng Pangulo na huwag munang ibalik ang face-to-face class dahil sa bagong COVID-19 variant.

“Our utmost priority is the safety of our 27 million learners and more than 840,000 teachers and we will defer to the professional assessment of the Department of Health, the IATF (Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases), and the wisdom of the President in ensuring their protection,” ayon sa pahayag ng kagawaran.

The post Petsa sa bukas-klase nilatag ng DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/petsa-sa-bukas-klase-nilatag-ng-deped/)