Binago na ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa ang mga edad na sakop ng emergency use authorization (EUA) ng bakunang Pfizer.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque sa kanyang text message nitong Martes.

Ani Duque, sakop na ng EUA ng Pfizer ang mga bata mula edad 12 hanggang 15, na iba sa unang EUA na nilabas noong Enero kung saan ang bakuna ay para lamang sa mga edad 16 pataas.

Dagdag pa ng kalihim, maging ang mga batang sa ilalim ng nabanggit na mga edad na walang iniindang health condition ay makakatanggap pa rin ng bakuna kagaya ng mga may kondisyon sa kalusugan.

Ngunit dahil raw hindi pa sapat ang suplay ng bakuna, ang mga batang may health condition o comorbidity muna ang uunahing bakunahan.

The post Pfizer, pwede na sa edad 12-15 – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pfizer-pwede-na-sa-edad-12-15-doh/)