Para sa Philippine Medical Association (PMA), dapat pa ring magsuot ng face shield maliban sa face mask, paghuhugas ng kamay at pagsunod sa physical distancing ngayong pandemya.

Ani PMA President Dr. Benito Atienza, malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face mask at face shield.

“Para sa amin ay magsuot pa rin ng face mask, face shield, maghugas ng kamay at sumunod pa rin sa physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face mask at face shield,” sambit niya sa interview sa DZBB nitong Sabado.

Ito ang komento ni Atienza matapos ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno kamakailan na dapat nang ihinto ang pagpapasuot ng face shield dahil nananatiling ang Pilipinas na lamang aniya sa mundo ang nagpapatupad nito.

Nanindigan naman ang Department of Health na hindi pa napapanahon para magluwag sa mga polisiya laban sa virus dahil sa pagtaas ng kaso sa ibang rehiyon, sa labas ng NCR Plus.

The post PMA: Face shield malaking tulong vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pma-face-shield-malaking-tulong-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pma-face-shield-malaking-tulong-vs-covid)